Monday, November 15, 2010

UPSIDE DOWN


Before I started writing, I checked on my clock and it was ten minutes before 2 in the morning, yes, that was right. I just finished ta
king a bath (yes, that was right again) and somehow cleaned my clattered room, ang hirap kasi matulog na ang dumi ng kwarto eh. If you are curiously asking bakit gising pa ako sa mga oras na ito, I would try to explain by telling you a short story, friends toi, ting and ta came over to
 our abode para tumambay, it’s actually out of the plan. One week na rin kasi kaming di masyadong nagkakausap…medyo busy din kasi ang mga buhay naming (feeler mode). Ting ang toi went to our house late afternoon yesterday and they eventually invited me to hang out. To cut the story short, naisipan ko na sa amin na lang tumambay para at least at ease ang parents ko na ok lang ako, may sakit pa naman mama ko, I don’t want her to worry. So ‘yun, tumambay kami, nag-usap, kumain, nagtawanan, same as to what we usually do, and for the nth time, we never realized that it was late already, kung di lang sinundo si toi ng kuya niya.
            Well, late afternoon of yesterday (I find it weird to call it YESTERDAY kasi parang part pa rin siya ng same day eh….whatever it is…laughs..confusing), I feel so pre-occupied for a lot of reasons, na status ko pa nga yun sa facebook account ko eh. Ewan ko ba bakit ang dami kung iniisip, kahit ano-ano na lang tumatakbo sa isip ko, anything under the sun, may it be my concern or otherwise. But I think okay na rin yun kasi kahit papano na exhaust ko yung utak ko sa araw na yun and lately parang na feel ko na it was so drained para mag isip pa ng kung ano-anong mga bagay.
            I actually attended a village-based-mass-like celebration which is called in visaya “KASAULOGAN SA PULONG” around 8 in the evening yesterday with those friends mentioned above, and I guess marami akong nakuha from it, to share some of it, it says that all of the things in this world is temporary, it will soon vanish, nothing is ours to keep, so simple lang naman ang mensahe na natutunan ko and it’s to make the most out of what we got, na pahalagahan ang bawat bagay na meron tayo, and most especially, pahalagahan ang mga taong nasa paligid nati. We should know its magnitude and its vitality. Tama nga naman, life is too short to be wasted on crap, hindi maling magkamali pero dapat we make sure that we learn from it. Ryan Seacrest, the host of the well-know American Idol (which is my fav TV reality show..lol), once said that life is like a pencil in which it has an eraser to erase our mistakes and write again. Maaring tama yong sinabi nya, but I guess not at all times, kasi sa buhay natin di naman talaga nabubura ang bawat pagkakamaling nagawa natin eh, maaring pwede natin tong itama at ituwid pero ang burahin ito? Paano? In what way can we do it? Diba parang imposible rin. We are just people who are prone to mistakes, at ang bawat pagkakamali natin ay tatatak sa bawat istorya ng ating buhay, there’s really no way para ma.erase yong mga yun, nangyari na kasi eh, di ganun kadali yun.
As long as we know how to accept our mistakes and learn from it, and as long as we know how to correct it, we would surely experience genuine happiness. Di rin kasi pwedeng magpakalunod tayo sa mga pagkakamaling nagawa natin eh, okay lang at normal ang pagsisihan natin ang mga maling yun pero kailangan rin nating tanggapin ang sitwasyon para maka move on tayo. I always believe that every one of us will experience a downfall in our lives, ang importante ay dapat matuto tayong tumayo at magpatuloy sa ating laban at tanggapin na minsan kailangan nating matalo para malasap ang sinasabi nilang tagumpay. Success will be more meaningful kung pinaghirapan mo talaga, diba?
            I learned to accept reality little by little, kahit sa ganitong pamamaraan at least I can assure myself na darating ang panahon na matatanggap ko rin ang katotohanan, ang katotohanan na may mga bagay na gustong-gusto mo ngunit di talaga nakalaan sayo, na may mga taong sobrang minahal at pinagkatiwalaan mo ngunit tatalikuran ka lang, na may mga pagkakataon na kailangan mong magparaya at umintindi kahit mahirap at masakit.

            (long pause...................)

            So much of my serious thoughts na kahit saan-saan na pumupunta, sighs, nafefeel ko talaga ang pagiging incoherent ko sa mga panahong ito. Naalala ko lang bigla that later this day is Pacquiao’s bout with (ooopsss..sorry, I really forgot the name of his opponent), for sure titigil na naman ang mundo ng ilang mga Pilipino, and even the other races, if not all. And naalala ko rin na magsisimba pa ako mamaya. (Laughs).
            Hindi ko masyado gusto tong nasulat ko ngayon, (uu, kini.critict ko rin sarili ko), moody din kasi ako eh when it comes to writing eh, there are really times na parang naka.buntot sa akin yong mga ideya and times na pinipilit ko lang magsulat para patayin ang oras, gaya nito, hinihintay ko lang talaga kasi na antukin ako at matuyo yong buhok ko (is it a perfect excuse??laughs), sabi kasi dun sa coffee commercial na bawal daw matulog pag basa ang buhok mo kasi daw baka masira ang mata mo, sira pa naman ang mata ko, sisirain ko pa ba more?? (LOL). Pero di nga, I think I had written all the thoughts that I want to share at this very moment, pero I think marami pa talaga akong di nasasabi o mga bagay na di ko alam pano sabihin. Pero okay lang, I will just keep it to myself as of now, and pag medyo nasa mood na ako, for sure maishashare ko na yun. I think that would be all. Adios!



(timeline copied from my multiply account; posted late)

No comments: