Gusto ko na sanang matulog ng maisip ko na parang may isang bagay ako na name-miss kong gawin, it actually took me a minute or two bago ko narealize that it was writing that I want to do again. So with no hesitation, I opened MS Word and started writing. I tried to think of what particular topic would I write about, and after thinking I came up with no concrete idea, until I started writing randomly about the things I felt.
......
....
...
..
.
It’s flattering to know that you are been envied by people, especially when you are doing nothing, I mean with you being just you. I don’t actually want to think that it is something worth bragging, but it’s just really funny to see people trying to find ways of pulling you down and eventually finding themselves on the pit, trying to pick up their shattered self. Sila lang din naman ang masasaktan sa huli eh, cause they’re living with their insecurities which is a big NO-NO for me. I would admit that I wish for things in life, both material and not, but I dwell on what I have, I use my skills and the good opportunities around me to somehow enjoy the things I long to have and experience.
Being bitter on someone’s success is one eminent shrug I always see on Filipinos, and ayaw kong mag hugas kamay sa bagay na yan, minsan talaga ang sarap ng feeling na ikaw ang nasa lugar nila, who wouldn’t choose to be on Manny Pacquiao’s shoes, right? Or Warren Buffet’s either? Sabi nila kung mangangarap ka, i.todo muna, tama ba yun? Itotodo mo ba kahit alam mong di talaga possible? Stupid,diba? Sa akin lang naman, kung mangangarap ka na lang, yong alam mong balang araw kaya mong abutin. Mahirap kayang umasa, mahirap masaktan.
Aminin man natin o hindi alam natin na iba-iba talaga ang kapalaran ng tao, may mga taong nagtatagumpay dahil nakapagtapos ng pag-aaral. Meron din namang nagtatagumpay kahit hindi nakapagtapos. Depende lang kasi yan sa drive mo eh, depende sa talino at kakayahan mo, if graduate ka nga pero utak mo sing liit lang naman ng kamatis, saan ka pupulutin nyan? Ooopsss…wala akong pinatatamaan ha??? (Bato2x sa langit ang tamaan wag magalit). Ako nga, I knew a lot who finished school but still futile. Kasi nga naman napaka.batugan. And unexpectedly, my brother quoted something that he once told me, “Maraming nabubuhay sa diskarte…..kaysa sa talino”. Tama nga naman, depende yan sa diskarte mo, but it would be an added point kung matalino ka rin, though I believe that everyone of us has that intelligence already, di lang talaga nadedevelop.
If a person is successful in one field it doesn’t mean na magiging successful ka din doon, kung ganun eh lahat ng tao pareho na ng tinatahak na daan,magkakasiksikan na diba? You should see another road and try to check its viability and feasibility. Minsan kasi yong “takot” natin ang pumipigil at humahadlang sa atin. As what my favorite author would say “the greatest fear one should have is FEAR itself”. I think there’s nothing wrong with being risky, wag lang pasobraan, anything in excess is really bad.
Lagi kong sinasabi na ang tunay na warrior(ano ba ang tagalog ng WARRIOR??laughs) ay alam kung kelan umatras sa laban, sabi naman ng isa kong kakilala na dapat daw kung warrior ka you should risk everything that you have even with the slightest possibility, here we can apply the law of being on the middle, or the law of balance, maaring tama yong sinabi nya pero para sa akin it’s really unwise and wrong. Bakit mo itataya ang konting posibilidad na yan kung alam mong ikakapahamak mo diba? Since alam mo paano mag-isip at mag-weigh ng bagay-bagay, bakit ‘di mo gamitin ang kakayahan nay an diba? Better prepare for the next fight, right? Kaysa naman igugol mo ang panahon mo sa kakalaban sa labang ‘di ka sigurado, why not prepare for the greater battle ahead. And this time mag-plano ka na, at ibahin mo ang iyong strategy, that’s not being coward, that’s being WISE. Ang problema lang kasi sa ibang tao, di kayang tumanggap ng pagkatalo, feeling nila pag umatras sila ay nakakabawas ito sa pagkatao nila. Ang opinion ko dito? ‘Di kawalan ang pagsuko, kung sa pagsuko mo naman ay may mas malaking posibilidad ka na binubuksan, just give yourself space to grow and just be optimistic on things. It’s just like the willingness to step back in order to take a greater step forward. ‘Di sa lahat ng oras dapat abante tayo, minsan talaga kailangan umatras. It’s a matter of acceptance and understanding, kung meron tayo nito siguradong walang problema.
Ewan ko ba bakit napaka gulo ng mundo, sinasabi ng iba LESS IS MORE, sabi din naman ng iba THE MORE THE MERRIER. Ano ba talaga? Siguro nga depende yan sa disposisyon ng isang tao. Maaring ang isang bagay ay tama sa akin ngunit mali sa iyo and the other way around, gaya ng sinasabi nila na minsan daw ang kaligayahan mo ay kalungkutan sa iba. Let me give you one concrete example, in a boxing match, sa bawat panalo ng manok(not literally) mo, ay pagkatalo naman ng kalaban nito. In short, ikaw nagbubunye sa tuwa ngunit ang kampo ng kalaban ay umiiyak naman sa lungkot. See the point? Iba-iba tayo ng opinion sa mga bagay-bagay sa mundong ito.
Ang tagal ko ring ‘di nakapagsulat kaya ito ako ngayon ang daming gustong sabihin, kung si Ma’am Gee ang pababasahin mo nito alam ko na anong sasabihin niya, NARROW DOWN YOUR THOUGHTS. Pero since ‘di naman pang.crossroads column tong sinusulat ko kaya ok lang, actually di ko pa nga alam anong gagawin ko dito eh. Maaring maging new blog post ko toh sa multiply account ko o note sa facebook, maari ding first blog entry ko sa Yahoo! Pulse, o blog post din after 2 years sa blogspot account ko. (sighs) ewan. Ang dami ko pang gustong sabihin pero mukhang inaantok na talaga ako eh. Ay! Di pala “mukhang”, inaantok na talaga ako. FYI, it’s quarter to one in the morning on my clock, akalain mo yun. Siguradong late na naman ako magigising bukas. Bahala na si batman. (laughs)
Matutulog na ako. Goodnight!
(from my multiply account, also posted as note in facebook)
No comments:
Post a Comment